Umattend si Vice President-elect Sara Duterte sa isang thanksgiving mass bago ang kanyang inagurasyon.
Ginanap ito sa San Pedro Cathedral sa Davao City na pinangunahan ni Archbishop Romulo Valles.

Suot ni Sara ang green Filipiniana gown na gawa ni Davao-based designer Silverio Anglacer.
Samantala, bago pa man magsimula ang misa ay namataan ang naturang susunod na bise presidente ng bansa na nakikipag-selfie sa kanyang mga supporters. (ARGIE ERGINA)