Spokesperson ni Robredo, inihayag na magiging ‘smooth’ ang transition ng vice presidency

Inihayag ng spokesperson ni outgoing Vice President Leni Robredo na si Barry Gutierrez na magiging ‘smooth’ ang transition ng vice presidency.

Ayon kay Gutierrez, naka-ready na umano si Robredo para sa turn over sa susunod na administrasyon sa darating na ika-30 ng Hunyo.

Read More:  Palace sees no need for state of calamity amid El Niño

Aniya, nagkaroon na ng mga pagpupulong ang staff ni Robredo at Vice President-elect Sara Duterte kaugnay sa naturang transition.

Read More:  Palace says survey ratings do not reflect Marcos’ actual performance

Samantala, hindi pa naman umano personal na nagkikita ang dalawa upang makapag-usap kaugnay dito.

(ARGIE ERGINA)