VP Duterte, welcome na pag-usapan ang pag-transfer ng P125M CIF

Hinayag ni Vice President Sarah Duterte na welcome sa kanya na pag-usapan ang legalidad ng pag-transfer ng P125 milyong pondo.

Ayon sa bise president, na umaasa siya na ang desisyon ng korte suprema ay magiging daan upang tuluyang matapos ang usapin na ito.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sinabi pa Duterte na nais lang niyang pagtuonan ng pansin ang pagpapataas ng kalidad ng ekuasyon sa bansa.

Samantala, naghain naman ng petisyon ang ilang legal expert para ibalik ang P125M pondo ng Office of the Vice President sa pamahalaan na ginastos sa loob ng 11 araw.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Sinabi ni Executive Director ng Ateneo Human Rights Center Atty. Arpee Santiago na walang isinabatas na Confidential Fund para sa OVP kaya ilegal ang hakbang na magkaroon ng P125 milyong budget ang tanggapan ni Vice President Sarah Duterte.