VP Duterte, nanindigang kayang mabuhay kahit walang intel funds

Ipauubaya na raw ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa Kongreso kung pagbibibgyan ang kahilingan nilang P500Million na confidential funds para sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng Senado para sa proposed P2.385Billion OVP Budget, idiniin niyang hindi naman daw nila pinipilit ang kahilingang to.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Aniya, sakali man daw na hindi ito makalusot sa Senado’t Kamara ay hindi naman nila ipagpipilitan ang kanilang mga sarili.

Sinabi pa ni Duterte na mabubuhay ang kanilang mga tanggapan kahit na wala silang confidential funds; ‘yun nga lang – mas mapadadali raw sana ang kanilang trabaho sa oras na maaprubahan ito..

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Kung maaalala, una nang nadismaya ang Makabayan bloc nang mabilis na makalusot ang OVP Budget sa Kamara nang walang sapat na paghimay mula sa mga Kongresista.