Simula bukas ay lalarga na ang bagong round ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng oil companies – magtataas ng P0.50 ang kada litro ng gasolina.

Mayroon ding umento na P1.20 sa kada litro ng diesel; at P1.10 naman sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ika-siyam na linggong sunud-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.