Dinepensahan ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang naging utos na alisin na ang mga visual aids sa loob ng mga classrooms.
Ayon kay Duterte, palagay niya ay wala namang pakialam sina Pangulong Bongbong Marcos at ang lahat ng mga bayani kung magpo-focus ang mga mag-aaral sa kanilang mg guro, lessons, projects at mga assignments.

Mariing sinabi rin nito na ang isang utos ay isang utos, kaya muli niyang sinabihan ang mga paaralan na alisin na ang anumang mga nakadikit sa mga pader at hayaang makapag-focus ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Samantala sa kahiwalay na panayam naman ng Brigada kay ACT-Teachers Party list Rep. France Castro, sinabi nito na hindi dapat na alisin ang lahat ng mga nakadesinyo sa loob ng silid aralan lalo’t pinaghirapan ito ng mga guro, magulang at mag-aaral at nakakatulong sa mga visual learners.