VP Duterte itinanggi na may kinalaman siya sa Davao Death Squad

Handa umano si Vice President Sara Duterte naharapin ang anumang akusasyon sa kanya ngunit giit ni Duterte na haharap lamang siya sa isang Filipino Judge.

Ito ang diniin ng Bise matapos lumabas ang ulat na kasama umano siya sa mga akusado sa International Criminal Court na nag-iimbestiga sa isinasagawang war on drugs ng Duterte administrasyon.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Mababatid na sinabi ni dating Sen. Antonio Trillanes na may ilang testigong nagsabi na noong naka-upo si VP Sara bilang alkalde ng Davao City, pinayagan umano ni Duterte ang pagpapatuloy ng Oplan Tokhang Operasyon sa pamamagitan ng Davao Death Squad.

Tugon ng Bise simula ng maupo siyang Alkalde ng Davao City ni-minsan ay hindi naiugnay ang kanyang pangalan sa Davao Death Squad pero noong manalo siyang Vice President bigla nalamang nagkaroon ng testigo laban sa kanya.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sinabi rin niya na hindi siya lalahok o magiging parte ng ikasasadlak sa kahihiyan ng bansa at dudurog sa buong justice system sa Pilipinas.