Ilang LGU sa Davao Del Norte, iniimbestigahan sa Senado

Ginisa sa pagdinig ang ilang lokal na opisyal ng Davao del Norte dahil sa isyung pagkaltas sa ipinamamahaging salaping ayuda.

Base sa salaysay ng testigo ang mga magkapares na benepisyaryo na binigyan P10K kinaltasan ng City Hall ng P7K para sa kanilang kasalang bayan.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Makikita sa ipinakitang larawan ng mga testigo ang ilang opisyal ng local na pamahalaan kasama rin ang hepe ng Davao del Norte Provincial Social Welfare Office.

Sa bayan naman ng Carmen Davao del Norte ang mga estudyante naman ang kinaltasan ng ayuda noong Oktubre 29 bago mag-barangay elections.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Pati rin ang ayuda ng DOLE kinakaltasan ang ipinamimigay.

Itinuturo ng ilang testigo si Sunga na sinasabi namang konektado kay Davao del Norte Vice Governor Oyo Oy.

Pinaiimbestigahan din ng Senado kung may sindikato sa likod nito.