Raffy sa bashers ng party ni Angara – ‘Mga KJ!’

Tinawag na ‘kill joy’ ni Senador Raffy Tulfo ang mga bumabatikos sa ginanap na birthday party ni Senador Sonny Angara na dinaluhan ng ilang mga Senador maging ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Tulfo na tao rin daw sila na marunong mag-relax.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Depensa pa ng Senador na ‘for-a -cause’ naman ang birthday party at hindi kung ano lamang.

Mababatid na umani ng samu’t-saring komento mula sa mga kritiko ang naging birthday party ni Sen. Angara kung saan kita sa video ang pagkanta ng mga Senador kasama si Pangulong Marcos.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Samantala, iniulat naman ni Senador Angara na nakalikom sila ng P3 million para sa PGH Foundation mula sa kanyang birthday party.

Bigay daw iyon ng mga bisita para sa PGH Foundation sa halip na mabigay sa kanya ng regalo.
#