VP Duterte – hinikayat ang mga Pilipino na alalahanin ang mga aral ng ating kasaysayan

Kinilala at binigyang-pugay ni Vice President Sara Duterte ang kontribusyon ng mga bayaning beterano ngayong ika-walumpu’t dalawang taon ng Araw ng Kagitingan.

Sa kanyang mensahe, pinahalagahan ni Duterte ang hindi matatawarang sakripisyo ng mga bayani para sa tinatamasang kalayaan sa kasalukuyan.

Sila aniya ang natatanging halimbawa ng tapang at pagmamahal sa bayan at ang hangarin na ipagtanggol ang dangal at integridad ng bansa sa panahon ng digmaan ay nagsisilbing inspirasyon.

Punto ng bise-presidente, marapat na tularan at alagaan ang aral ng kanilang kabayanihan.

Dahil dito, nilalayon umano ng Office of the Vice President at Department of Education na ituro at ipaunawa sa bawat kabataang Pilipino ang pagpapahalaga sa kasaysayan at sa mga bayaning nagbuwis ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *