NAGA CITY – Nababawasan na ang bilang ng mga migratory birds sa Cabusao Wetlands dahil sa sobrang init ng panahon ngayon, sila ay bumabalik na sa mga bansang kanilang pinanggalingan,doon sa Europa,ayon kay Abner Avizola ang Wildlife Enforcement at Municipal Tourism Officer ng LGU-Cabusao.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga,kay Avizola,sinabi niya na inaasahan na nila ang pagbawas na ng bilang ng mga dayuhang ibong ito dahil sa mainit ng temperatura at panahon na rin para lumisan sila sa kabila ng sapat at maraming pagkain sa wetlands.
May mga natitira pa naman anyang mga ibon sa wetlands na ayon sa kanya ay ito iyong mga ibong halos resedente na sa lugar, ang iba sa mga ito ay doon na nangingitlog at nagpaparami ng kanilang mga sisiw tulad ng Egrets, mga Endemic Birds at iba pang mga local birds.