Voting simulation exercise ng COMELEC, umarangkada na

Nagsagawa ng voting simulation exercise ang Commission on Election sa dalawang barangay sa San Juan City.

Nagsimula ang aktibidad bandang alas-10 ngayong umaga at inaasahang matatapos mamayang alas-kwatro ng hapon.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Aabot sa 3,500 test voters ang lalahok sa voting simulation exercise na magmumula sa mga barangay ng Balongbato at Ermitanyo St. sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez titingnan nila ang average time frame sa verification process sa pagkakakilanlan ng mga botante.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Maliban dito pag-aaralan din at susubukan tukuyin ang mga isyu sa beripikasyon, pagpapatupad ng minimum health and safety protocols; at pagbuo ng mga measures para ma-decongest ang mga polling places upang makumpleto ang voting process sa mas mabilis na panahon pagdating ng aktuwal na botohan sa Mayo ng 2022.