KORONADAL CITY- HINIHIKAYAT ng Department of Health o DOH Region 12 ang mga local government units at mga partner stakeholders na palakasin pa ang COVID 19 vaccination sa mga senior citizens.
Inihayag ni DOH 12 Regional Immunization Program Manager Dr. Edvir Jane Montañer na kailangan ng rehiyon na palawakin pa ang vaccination coverage nito sa mga senior citizens o mga kabilang sa A2 priority group na ngayon ay mababa pa kumpara sa target.
Napag-alaman na 40.75% pa lamang o 128,153 ng 314,465 eligibile A2 population ang fully vaccinated laban sa COVID 19.
Ayon kay Montañer na ginawang requirement ng National Vaccine Operation Center ang A2 inoculation accomplishment para sa expansion ng COVID-19 mass vaccination sa pediatric group o mga may edad 12 hanggang 17 years old.
Binigyang diin nito na hindi makakapagsimula ng vaccination sa pediatric group ang region 12 kung hindi nito maaabot ang at least 50% ng target sa A2 population.
Ang mga senior citizens ay may malaking tyansa na magkaroon ng malalang COVID 19 infection kung kayat mahalaga na sila ay mabakunahan.
