Voters registration, wala nang extension

Comelec KORONADAL CITY – Wala nang extension ang voters registration ng Commission on Elections o COMELEC na magtatapos sa September 30, 2024.

Dahil dito, nananawagan si South Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada sa mga gustong makaboto sa susunod na eleksyon na magparehistro na habang maaga pa at huwang nang hintayin pa ang deadline upang makaiwas sa mahabang pila.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Bukas ang mga Comelec offices sa iba’t ibang mga bayan at lungsod Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Maliban sa voters registration, nagpoproseso din ang Comelec ng transfer ng registration, reactivation, correction of entries at change status.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase