Hihilingin ng Sangguniang Panlungsod sa paqmamagitan ng isang resolusyon na payagan ng Commission on Election (COMELEC) na i-extend ang ginagawang voters registration sa Puerto Princesa.
Sa regular na sesyon ng City Council ay sinagot ni Atty Julius Cuevas ng City COMELEC, ang mga katanungan ng mga konsehal dahil sa reklamo at senaryo ng mga nagpaparehistro sa pila na kung saan ang iba ay natutulog sa labas ng mall para lamang mapagbigyan na makapagparehistro.
Ayon kay Cuevas, tanging ang COMELEC en banc lamang ang makapagbibigay ng disisyon kaugnay sa hiling na pagpapalawig ng registration.
Nilinaw naman ng City COMELEC Officer, pinili nito na magsagawa ng satellite registration ng 2 major malls sa lungsod upang mas marami ang ma-accommodate kumpara sa City Coliseum.
Dagdag pa nito na ang isa sa problema ay 1 lamang sa bawat munisipyo at lungsod ang itinalagang voter registration machine, bukod pa rito na limitado lamang ang panahon dahil hanggang July 23, 2022 na lamang ang registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Samantala, sa huli ay naipasa naman sa Committee of the Whole ng Sanggunian ang resolusyon at umaasa na mapagbibigyan ito ng COMELEC.