COMELEC, umapela sa Kongreso na isapinal na ang kapalaran ng barangay at SK elections

Nanawagan na ang Commission on Elections sa Kongreso na magkaroon na ng pinal na desisyon hinggil sa atras-abanteng barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sana sa Disyembre.

Sa ngayon kasi, hati pa rin ang reaksyon ng ilang mga mambabatas kung itutuloy ba ito o hindi, kung saan ay mayroon nang mga nakahaing bills para sa postponement nito sa Kamara at sa Senado.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Umasa si COMELEC spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na mareresolba na ito sa lalong madaling panahon, at magkakaroon na ng pinal na desisyon ang dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ganitong paraan aniya, mapo-postpone na nila ang iba pang mga nakatakdang procurement o pagbili ng mga kagamitan hanggat hindi pa ito nasisimulan.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayaw daw naman kasi nilang mauwi sa wala at masayang ang ginagastos ng Gobyerno para sa paghahanda sa halalan.

Sa ngayon, hanggat wala pang naipapasang batas para sa pagppaliban ng eleksyon at tuloy pa rin ang kanilang preperasyon para rito.
#