Inaanyayahan ng Provincial COMELEC ang mga interesadong magpa-rehistro para sa nakatakdang Barangay & Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre sa susunod na taon.
Ayon kay Prov. COMELEC Spokeperson Jomel Ordas, nagsimula na ang voters registration kahapon, ika-12 ng Disyembre at ito ay magtatagal ng hanggang ika-31 ng Enero 2023 (maliban sa December 24 at December 31, 2023), Lunes hanggang Sabado.
Pinatitiyak din ni Ordas sa mga nais magpa-rehistro na dalhin ang mga kinakailangan o requirements na makikita sa website ng COMELEC at Brigada News FM Page.
Kaugnay nito, may inilatag din na voters satellite registration ang COMELEC sa mga sumusunod na petsa at lugar:
December 17, 2022- North Mini City Hall- Brgy. San Rafael, PPC
January 17, 2023—North East Mini City Hall- Brgy. Macarascas, PPC
January 21, 2023- South West Mini City Hall- Brgy. Napsan, PPC at
January 28, 2023- South Mini City Hall- Brgy. Luzviminda, PPC