Vote-buying itinanggi ng PIRMA

Inamin ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action o PIRMA na sila ang nagpasimuno ng signature campaign para mangolekta ng boto upang isulong ang charter change sa pamamagitan ng people’s initiative.

Ayon kay PIRMA Noel Oñate, nakatanggap diumano sila ng mainit na suporta mula sa publiko kung saan inaasahan na makakakuha sila ng 20% na boto.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Inamin din ni Oñate na nakausap niya si House Speaker Martin Romualdez at nakikipag-ugnayan din daw sila sa ibang Kongresista para sa kanilang signature campaign.

Samantala, itinanggi naman ng grupo na sila ang sangkot sa bayaran at paggamit ng programa ng pamahalaan para akitin ang publiko na suportahan at bumoto para sa naturang hakbang.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Igiiniit ni Oñate na walang public funds ang ginagamit sa signature campaign at ang kanilang badyet ay mula sa mga taga-suporta ng PIRMA.