Iminungkahi ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, ang voluntary drug testing para sa mga college athletes.
Ang mungkahi ni Barbers ay matapos mapanood ang viral rampage ng Jose Rizal University (JRU) cager John Amores, kung saan sinugod at sinuntok nito ang ilang mga miyembro ng basketball team na kanilang nakalaban.
Para sa mambabatas, tila mayroon umanong anger issues si Amores.

Dahil dito, iginiit ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na dapat sumailalim ang lahat ng mga atleta ng UAAP at NCAA sa voluntary drug testing.