Marina at NTC magsasagawa ng joint mobile registration sa mga commercial fishing vessel sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng joint mobile registration ang Maritime Industry Authority (MARINA) at National Telecommunication Commissions (NTC) sa mga commercial fishing vessel sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong buwan.

Ito ang inihayag ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Wala pang eksakstong petsa pero gaganapin ang joint mobile registration sa Mercedes at Sta Elena sa ikatlong lingo nitong buwan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kaugnay nito hinikayat ni Tiam ang mga commercial fishing vessel na wala pang lisensiya na samantalahin ang pagkakataong ang mga ahensiya nan g gobyenro tulad ng Marina and dumadayo para magsagawa ng mobile registration.

Matatandaan na una na ring pinaalalahanan ni BFAR Regional Director Nelson Bien ang mga nagmamay ari ng commercial fishing veseel na hindi pa rehistrado sa Marina na magparehistro na.

Nakahanda umanong tumulong ang ahensiya sa pag- facilitate ng mobile registration.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sinabi ito ng opisyal sa kaniyang pagharap sa mga may ari ng commercial fishing vessel sa lalawigan kamakailan.

Sa naturang aktibidad ay pinag usapan kung paano matutulungan ng gobyerno ang mga nasa commercial fishing vessel na madalas ay nagmumulta ng malaki kapag nahuhuli.