CAMARINES NORTE- Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapag isyu ng 158, 240 ePhilIDs hanggang Disyembre nitong taon.
Ang ePhilID ay ang digital version ng PhilID na naka- print sa papel na may parehong bisa sa physical PhilID card.
Isa umano itong proactive strategy ng PSA upang ma- enjoy na ng mga nakapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) ang mga benepisyong hatid ng national ID habang hinihintay ang physical ID card.
Batay sa datos ng PSA hanggang nitong October 31, 2022 umaabot na sa kabuuang 4, 357 na ePhilIDs ang kanilang naipalabas sa labingdalawang bayan.
Nasa 343 dito ay sa Basud, 471 sa Capalonga, 372 sa Daet, 177 sa San Lorenzo Ruiz, 466 sa Jose Panganiban , 487 sa Labo, 331 sa Mercedes, 344 sa Paracale, 149 sa San Vicente, 453 sa Sta Elena, 306 sa Talisay at 458 sa Vinzons.
Pero nadagdagan na ang bilang ng mga naisyuhan ng ePhilID.
Ayon sa PSA nasa 6, 438 ePhilID na ang kanilang naipalabas as of November 6, 2022.
Magsasagawa naman ang PSA ng printing at delivery sa mga barangay o plaza upang mapabilis ang pag abot sa target bago matapos ang Disyembre.
Ang mga rehistradong indibidwal na mayroong nang PhilSys Number (PSN) ay maaari nang mag avail ng ePhilID.
Para ma- check ang availability ng PSN maaaring bisitahin ang apt.philsys.gov.ph at mag- book ng appointment schedule sa napiling registration center.
