SORSOGON CITY – Binuksan na, Pebrero 7 ang Visual Art Exhibit sa lalawigan ng Sorsogon.
Ang aktibidad ay kasabay ng pagdiriwang ng National Arts Month 2022, at handog ng Provincial Government at ng Museo Sorsogon.
Ang nasabing exhibit ay pangungunahan ng Artists Guild of Sorsogon o AGOS na binubuo ng mga local artists mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.
Layon din ng inisyatiba na maitampok at maipagmalaki ang mga likhang sining ng mga mahuhusay na artist ng Sorsogon.
Ang exhibit ay nagtatampok ng mga likhang sining sa iba’t ibang anyo tulad ng pagpinta, eskultura, at mixed media, bukod sa iba pa.
Ang mga likhang sining ay ibinebenta din sa mga interesadong parokyano.
Bukod sa Visual Arts Exhibit, ipagdiriwang din ang National Arts Month sa pamamagitan ng Art Webinars,
Concert at Cultural Presentation.
