47 benepisyaryo ng TUPAD sa Rapu-Rapu, Albay natanggap na ang asistensya-DOLE

Legazpi City- Natanggap na ng aabot 47 benepisyaryo ng programang Tulong Panghanap-buhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD sa Rapu-rapu, Albay ang tulong mula sa Department of Labor and Employment o DOLE Bicol.

Ang mga tumanggap ay pawang magsasaka sa nasabing bayan.

Sa isinagawang oryentasyon sa Rapu-rapu Community College, ipinamahagi rin sa mga benepisyaryo ang kanilang mga Personal Protective Equipment o PPE, surgical mask, TUPAD shirt, bucket hat, GSIS Insurance at TUPAD identification card upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagtatrabaho sa komunidad sa pagpapabatili ng kalinisian sa loob ng 15 araw.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon kay DOLE Bicol Regional Director Ma. Zenaida A. Angara-Campita, ikinagagalak niyang mailunsad ang programang TUPAD sa bayan ng Rapu-rapu.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Aniya, layunin ng ahensya na matulungan ang lahat ng mga naapektuhan ng pandemya, at mabigyan sila ng oportunidad na magkatrabaho.

Dagdag pa ng tanggapan na mapanatili ang kalinisan ng mga komunidad sa tulong ng programang TUPAD.