Aksidenteng tumaob ang multicab na sinasakyan ng dalawang Philippine Navy matapos barilin ng isang pulis alas 8:00 ng gabi nitong lunes February 7, 2022 sa National Highway ng KM 18-19 Barangay Bacungan, Puerto Princesa City.
Ayon kay P/Lt. Col. Alonso Tabi, tagapagsalita ng PPCPO, magkasunod ang dalawang sasakyan nag-overtake ang multicab na sinsakyan ng dalwang Navy kaya nagpaputok ang sasakyan ng wigo na minamaneho ng pulis.
Kinilala ang pulis na si P/Cpl. Jhon Vincent Ugalde ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) kasalukuyang nakabase sa bayan ng Taytay, Palawan.
Ang mga sundalo ng Navy ay kinilala na sina PO 1st Class (PO1) Jonathan Lopo at Apprentice Seaman (ASN) Christian Bustillo.
Ayon kay Tabi, nagtamo ng gasgas sa katawan ang dalawang Navy habang sumuko sa City Police Office ang pulis na si Ugalde.
Tumama sa likurang bahagi ng gulong ang pinutok na baril ni Ugalde gamit ang Glock 17 (9mm) na kanyang service firearm.
Posibleng maharap sa kasong illegal discharged at grave threat ang pulis.
Habang iimbestigahan din kung posibleng maharap sa violation ng Omnibus Election Code ang suspek.