Viral na kantang ‘Selos,’ inalis na sa mga online plaforms matapos ang copyright issue

Hindi na mapapakinggan sa streaming platforms ang kantang ‘Selos’ ni Queen of Bangsamoro Pop – Shaira.

Ito’y matapos gumawa ng legal na aksyon ang Australian singer na si Lenka laban sa Moro dahil sa panggamit ni Shaira ng melody ng kanyang kantang “Trouble Is a Friend.”

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Samanatala, kinumpirma ng AHS Productions, ang production na humahawak sa Queen of Bangsamoro Pop na isang ‘voluntary act’ ang pag-take down nila sa ‘Selos’ dahil sa isang ‘pending agreemen’ sa kampo ni Lenka na i-secure ang “cover license” sa nasabing awitin.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Kasabay nito ay humingi ng paumanhin ang AHS Productions dahil wala na ang nasabing kanta sa lahat ng online streaming platforms.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang online community para kay Shaira dahil sa nangyari dahil sumabay pa raw sa ito paggunita nila ng Ramadan.