Senador, handang tulungan ang isang suspek Camilon case

Tiniyak ni Senador Robin Padilla na bilang miyembro ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay handa siyang makinig sa salaysay ng drayber at bodyguard ni Police Major Allan De Castro na si Jeffreyy Ariola Magpantay.

Ito ay matapos madawit ni Magpantay sa kaso ng pagkawala ng public school teacher at beauty queen na si Catherine Camilon.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Pagpapaliwanag ni Padilla, ayaw na ayaw niyang nagagamit ang mga maliliit na tao bilang ‘fall guy’.

Kaugnay nito, bukas umano siyang magsagawa ng executive session para kay Magpantay kung sakaling hinggin niya ito.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Maalala, matapos ang di umano’y pagsisinungaling kahapon ni De Castro tungkol sa kanilang relasyon ni Camilon ay pina-cite in contempt na siya ng chairman ng komite na si Senador Ronald Bato Dela Rosa.