Vintage bomb sunod-sunod na natagpuan sa construction site

Aksidenteng natagpuan ang tatlong vintage bomb sa isang contruction site sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng hepe ng Irosin MPS na si PMaj John Angelo Romeroso, ang mga vintage bomb ay natagpuan ng mga construction workers sa ipinapatayong boarding house sa Brgy Bagsangan ng nasabing bayan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Una umanong natagpuan ang dalawang vintage bomb sa isang hukay at matapos ang isang oras ay may natagpuang isa pang vintage bomb sa katabi ng unang hukay.

Agad na tinawag ng pansin ng mga contruction worker ang may-ari ng boarding house na dali-dali namang nagreport sa police station at rumesponde agad ang nasabing yunit ng pulisya at kinurdunan ang lugar.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Wala namang naiulat na nasaktan sa pagkakatuklas ng nasabing bomba.

Hindi pa tukoy ang nasabing vintage bomb na hawak na ngayon ng EOD (explosive ordnance disposal) para sa kaukulang disposisyon.