Nagdesisyon si Batangas Representative Vilma Santos na huwag tumakbo para sa kahit anong pusisyon sa 2022 elections.
Kinumpirma ito ng dating aktres sa kaniyang social media post matapos ang mahabang spekulasyon na kinukuha siya bilang senador o bise presidente ng ilang partido.

Inihayag ng showbiz icon sa kaniyang post,”After careful consideration of the present situation, especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in the May 2022 elections,”
Ipinunto naman ni Vilma na matapos ang 23 taon na pagseserbisyo sa publiko ay plano niyang ituloy ito sa pamamagitan ng kaniyang pribadong kapasidad.