Inaasahan na makalalaya na ang pinakamalaking lungsod ng Australia mula sa mahigit 100 araw na lockdown sa Lunes.
Ito ay matapos kumpirmahin ng mga otoridad sa Sydney, na tirahan para sa mahigit 5-milyong katao, na naabot na ang targets nito para sa vaccination kontra COVID-19.

Sinabi ng mga otoridad na 70-percent ng state residents na mahigit 16-anyos ang fully vaccinated na.
Iginiit ni Prime Minister Scott Morrison sa kaniyang pahayag para sa reopening ng Sydney na malapit na nilang makita ang “light at the end of the tunnel”.
Mula Lunes ay inaasahan na iwe-welcome na ng mga pubs, restaurants at shops ang pagbabalik ng kanilang mga parokyano na fully vaccinated na.