Video ng pananakit sa lalaking may ‘special needs’, inulan ng batikos

Inulan ng batikos ang lalaking nanakit sa isang lalaking may ‘special needs’ matapos makunan ng video.

Nangyari ang insedente gabi ng Biyernes, Agosto 02, 2024 sa Colon Street, Cebu City at mabilis na nag-viral online.

Ang lalaking may ‘special needs’ na kinilalang si Marmar ay residente ng Cordova, Cebu.

Kilala at mahal na mahal ito ng mga taga kalapit lungsod ng Lapu-lapu dahil nanglilimos lamang umano ito ng barya sa kanilang lugar at hindi nananakit.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Sa panayam kay Mayor Junard Ahong Chan, sinabi nya na sa tuwing makikita nya si Marmar, binibihisan nya ito at pinapakain.

Sa kabilang banda, pinatignan sa Doctor ang kalagayan ni Marmar.

Nakauwi na rin umano ito sa kanila.

Ayon sa lalaking nanakit kay Marmar na si Alyas Chris, sinabi nito na naabutan nya na lamang na nagkaroon ng komosyon sa tindahan ng kanyang tiyuhin matapos ang umanoy tangkang pagnanakaw ni Marmar.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Aniya, wala syang balak bugbugin ito ngunit nag-aantay na lamang sya ng pulis para ma turn-over si Marmar.

Makikita naman sa video ang tila pagsuntok nito sa tagiliran ni Marmar pati na ang pagsampal subalit paliwanag ni Chris, nadala lamang sya ng kanyang emosyon dahil nagpupumiglas ito at galit din sya sa mga magnanakaw.

Aminado sya sa kanyang pagkakamali kasabay ng paghingi ng tawad at sinabing hindi nya alam na may special needs pala si Marmar.