“Victim representation process” kaugnay sa pagpapa-imbestiga sa “war on drugs” ng administrasyong Duterte, sinimulan na ng ICC

Sinimulan na ng International Criminal Court (ICC) ang “victim representation process” kaugnay sa pagpapa-imbestiga sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ito ay kasunod ng hiling ni prosecutor Fatou Bensouda sa ICC na judicial authorization para siyasatin ang madugong giyera kontra droga at extra judicial killings sa Pilipinas.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Sa nasabing proseso, bibigyan ng karapatan ang mga biktima na magsumite ng representation batay sa ICC legal framework.

Nangangahulugan na ang mga biktima ay maaaring magbigay ng kanilang views, concern at expectations hinggil sa hiling ni ICC prosecutor sa ICC judges kaugnay sa kanilang konsiderasyon.  

Ang victim participation and reparations section ang responsible sa pagtulong sa mga biktima sa proseso ng pagsusumite ng representation.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ang deadline naman para sa paghahain ng victim representation sa ICC ay itinakda sa August 13 2021.

Mababatid na nauna nang sinabi ng Malacañang na hindi makikipagtulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing imbestigasyon ng ICC sa war on drugs sa bansa.