Ibinahagi ni Dr. Vicki Belo sa vlog ni Korina Sanchez na nagkaroon ito ng Stage 3 cancer noong 2016
Pagbubunyag ni Belo, na ang diagnosis sa kanyang ay Stage 3 breast cancer
Kaugnay nito, nagpa-gamot ang naturang doktor sa Europe, pero sinabi umano sa kanya ng mga doktor na may taning na ang kanyang buhay.
Pinayuhan din umano siya ng kanyang mga doktor na huwag nang mag-alala tungkol sa chemo dahil mamamatay na umano siya sa loob ng dalawang linggo.
Inamin din nito, na wala silang planong ipakilala sa publiko ang kanilang anak na si Scarlet Snow, pero para mawala ang atensyon sa kanya, ay napagdesisyunan nilang ipakilala ang anak na noon ay isang taong gulang.
