Abogado ni Denice Cornejo na si Atty. Topacio, bumitiw sa kaso vs Vhong Navarro

Opisyal nang bumitaw si Atty. Ferdinand Topacio bilang lead counsel ni Deniece Cornejo para sa kaso laban kay Vhong Navarro.

Ayon kay Topacio, ayaw na umano niyang ituloy ang kasalukuyang direksyon ng kaso.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Nabanggit din nito ang “good conscience at ethics” kaya hindi na umano niya maipagpapatuloy ang naturang serbisyo.

Ipinaliwanag din ng naturang abogado na mayroon umanong difference sa paghawak sa naturang kaso.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Nilinaw din ni Topacio na ang kanyang naunang pagrepresenta kay Deniece, ay dahil umano sa hiling ng pamilya nito, lalo na ni Rod Cornejo na close friend umano niya.