Vendor nakuhaan ng ilegal na droga, arestado sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Himas rehas na sa kulungan ang isang vendor matapos magpositibo umano sa ilegal na droga sa Purok 5, Sitio Pulot, Brgy. 56-Taysan lungsod ng Legazpi.

 Kinilala ang suspek na si Jasser De Mesa Samporno, 31 anyos residente ng nasabing barangay.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

 Ayon sa report, gabi ng magsagawa ng Anti-Illegal Drugs Operation ang Legazpi City Police Station ng kumagat sa pain ang suspek, pinagbentahan nito ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may laman na suspekted shabu sa halagang P5, 500, habang isinasagawa ang pakikipagtransaksyon ay dito na inaresto si Samporno.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

 Narekober pa sa kanya ang isa pang pirasong pinaniniwalaang shabu at pera na ginamit bilang buy bust money. Sa ngayon ay inihahanda na rin ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.