VAWC, karamihan sa naitatalang kaso ng kapulisan sa rehiyon

Binabalangkas na ng Police Regional Office 2 at National Police Commission o NAPOLCOM ang mga interbensyon upang mapanatili ang disiplina sa hanay ng kapulisan sa rehiyon dos at maiwasang masangkot ang mga ito sa anumang kaso.

Una rito, inihayag ni NAPOLCOM Regional Director Ramon Rañeses na ang capital punishment sa mga kapulisan ay dismissal sa kanilang mga serbisyo.

Aniya, ikinalungkot nito na ang pinakamaraming naitala na kaso sa kapulisan ay hinggil sa Violation Against Women and Children o VAWC dahilan upang makipag-ugnayan ito sa PRO2 hinggil sa mga interbensyon at moral recovery ng kapulisan maging ang pagpapalakas sa elasyon ng mga ito sa kanilang pamilya.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ipinaliwanag naman ni PRO2 Regional Director PBGen Christopher Birung na mayroong apat na element ang organisasyon na kailangan ng bawat member at ito ay ang human resource, systems, technology, at values.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Sa datos ng NAPOLCOM mula January 2022 hanggang July 2024 ay mayroon nang kabuuang 182 na kaso ng mga PNP Member at sa nasabing bilang apat nan a-refer sa ibang disciplinary authorities, apat ang iniurong ng mga complainants, 52 na kaso ang inirekomenda at aprobado na para sa dropping habang 95 naman ang para sa summary dismissal procedure.