Inihayag ni NAPOLCOM Region 2 Regional Director Ramon Rañeses na tumataas ngayon ang passing rate ng mga aplikanteng kumuha ng entrance exam upang magkaroon ng eligibility.
Aniya, dumami ang bilang ng mga college graduate na kumukuha ng entrance exam sa NAPOLCOM at tumataas din ang average ng mga pumapasa.
Ang pagsusulit sa NAPOLCOM ay isang eligibility upang makapasok sa PNP bilang patrolman kung saan ang mga kukuha nito ay kailangang Filipino citizen, nagtapos ng bachelor’s degree, 21 – 30 years old.
Kinokonsidera rin aniya ang height ng mga aplikanteng kabilang sa Indigeneous Community ngunit kailangang mayroong certificate of confirmation ang mga ito mula sa National Commission on Indigeneous People.
Nilinaw naman ng opisyal na magkaiba ang Entrance exam sa Recruitment process kung saan ginagamit ditto ang Qr code upang maiwasan ang palakasan system.