3 munisipalidad sa Batangas, may outbreak na ng ASF

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may outbreak na ng African Swine Fever sa tatlong munisipalidad sa Batangas.

Tingin ng DA, nagmula ito sa mga infected na baboy na ibinaon nila noon sa ilalim lupa at dahil sa malakas na pag-ulan at pagbaha ay lumabas ang mga katas nito sa lupa.

Read More:  Comelec open to BSKE postponement, sets condition

Kinausap na ng opisyal ang tatlong hindi pinangalanang munisipalidad para magdeklara ng state of emergency upang magawa nila ang emergency procurement ng mga bakuna.

Read More:  DICT strengthens servers of eGov PH app

Samantala, sinabi ni Laurel na wala naman raw dapat ipag-alala sa pagkain ng baboy basta niluto ito ng maigi.

Sa ngayon hindi pa matiyak ng kalihim ang eksaktong bilang ng mga apektadong baboy pero posible raw na nasa 10,000 ito.