VAT sa streaming platforms – ilalaan sa creative industry

Binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian na nais lang nilang gawing pantay at patas ang competition para sa mga local at international digital streaming platforms – dahilan sa isinusulong na panukalang magpapatupad ng VAT sa mga
foreign streaming platforms.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ito ay matapos maaprubahan ng Bicameral conference committee ang pagpapataw ng 12% na value-added tax sa foreign digital service providers.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Gatchalian, sinabi rin nitong nakasaad sa panukala ang pagpondo sa creative industry.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa harap ng inaasahang improvement sa naturang industriya sa tulong ng panukalang batas, at ang pagpapataw ng VAT sa foreign digital service providers, nilinaw ni Gatchalian na hindi naman magiging mahal ang subscription sa mga ito.