Mga mambabatas mula sa mahigit dalawampung bansa, kinondena ang agresibong aktibidad ng China sa WPS

Kinumpirma ni Cagayan De Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez na lumagda ang mga mambabatas mula sa dalawampu’t tatlong bansa at sa European Union upang kondenahin ang mga agresibong aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Nakasaad ito sa statement mula sa Inter-Parliamentary Alliance on China patungkol sa “Chinese Coast Guard agression and provocation”.

Layon umano ng alliance na tumulong sa pagkontra sa banta ng lumalawak na impluwensiya ng China sa global trade, security at human rights.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Isa si Rodriguez sa mga pumirma sa statement pati na ang tatlumpu’t tatlong parliamentarians mula sa EU, United Kingdom, Australia, Japan, New Zealand, Germany, Switzerland, Italy, Netherlands, France, Norway at Sweden.

Binigyang-diin ng IPAC na walang basehan sa batas ang “no trespass” rules ng China sa Ayungin Shoal na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas lalo’t malinaw ang arbitral ruling noong 2016.

Sa kabila ng napanalunan sa Arbitral Tribunal ay pinili umano ng China na mas lumala ang sitwasyon dahil sa pagharang sa operasyon ng mga Pilipino sa lugar, paggamit ng marahas na taktika at pag-udyok ng hidwaan sa pamamagitan ng pagsubok sa commitment ng Amerika na ipagtanggol ang Pilipinas.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Dagdag pa ng parliamentarians, dapat alalahanin ng Beijing na walang international body na kumikilala sa claim of jurisdiction sa Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal kahit pa iginigiit nito ang Nine Dash Line.

Bukod kay Rodriguez na nagpasalamat sa suporta ng international lawmakers para sa Pilipinas, kabilang din sa Filipino congressman na lumagda sa statement si Zamboanga del Norte Representative Adrian Michael Amatong.