Variants of concern ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte hindi na nadagdagan ilang araw bago matapos ang taon

CAMARINES NORTE- Hindi na nadagdagan ang bilang ng COVID- 19 variants of concern (VOCs) sa lalawigan ng Camarines Norte ilang araw bago matapos ang taong 2021.

Batay ito sa Biosurveillance report na inilabas ng Department of Health kahapon, December 28, 2021.

Dahil dito nananatili sa 44 ang bilang ng VOC’s sa lalawigan  at pinakaramarami pa rin ang Delta.

Mayroong 37 kaso ng Delta variant sa lalawigan na nagmula sa mga bayan ng Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena, Talisay at Vinzons.

Nanatili rin sa pito ang kaso ng Beta variant na nagmula sa Daet, Jose Panganiban, San Vicente at Sta Elena.

Nilinaw naman ng DOH na ang bilang na ito ay base sa specimens na isinumite sa Philippine Genome Center at hindi nagpapakita ng kabuuang bilang ng circulating variants sa komunidad.

Ayon naman kay DOH Bicol COVID- 19 program coordinator Dr. Lulu Ramos Santiago, ngayong mayroong banta ng Omicron variant ay kinakailangan nang maghanda ng rehiyon sa posibleng pagpasok nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *