Mga batang nasa Naga City Children’s Home, nagkaroon din ng Christmas Party

NAGA CITY – Naging masaya naman ang mga batang nasa pangangalaga ng Naga City Children’s home dahil sa Christmas party na handong ng LGU.

Ang munting salu-salo at palaro sa mga bata ay pinangunahan ng Children and Women Welfare committee.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa panayam ng Brigada News FM kay Coun. Elmer Baldemoro, sinabi nitong ang mga batang ito ay mga street children na inabandona ng sariling pamilya at naging palaboy sa mga lansangan ng lungsod.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Doon sila nag nag-aaral at nakakapaglaro ng tulad sa ordinaryong mga bata sa labas, may house parents din silang siyang nangangalaga.

Lahat ng mga kailangan ng mga batang ito tulad ng edukasyon at kalusugan at binibigyang atensyon ng LGU.