Vargas, di naman umano nasaktan matapos ma-knockdown sa round 9 vs Magsayo

Humingi ng paumanhin si dating WBC world featherweight champion Mark Magsayo sa kanyang mga fans, matapos na bigong madepensahan ang kanyang world title laban kay Rey Vargas, kahapon sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Read More:  Philippines to host two WTA Tournaments in 2027

Mababatid na ang 27-anyos na boksingero ay naka-iskor ng knockdown laban sa Mexican sa round 9, pero hindi ito naging sapat para makuha ang panalo.

Read More:  Alex Enriquez wins silver medal in Asian Games jiu-jitsu

Sa ngayon, two-division world champion na si Vargas na may perfect record na 36-0 at 22 knockouts.

Samantala, binigyang diin naman ng Mexican boxer na hindi nasaktan mula sa knockdown ni Magsayo, dahil hindi naman umano ito ganun kalakas.