KORONADAL CITY — KONTROLADO na ang kaso ng African Swine Fever o ASF mula sa dalawang barangay sa Koronadal.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Charlemagne Calo, city veterinary officer ng lungsod na incursion nasabing kaso ng ASF na naiulat mula sa Purok Garcia Barangay Rotonda at Purok Nagkakaisa ng Barangay Namnama.
Dahil sa nasabing insidente, agad na ipinatupad ang 500-meter radius kung saan naapektuhan nito ang 11 mga hog raisers at 44 na mga baboy ang isinailalim sa culling.
Samantala, isang commercial hog farm naman ang naapektuhan mula sa Barangay Namnama kung saan 850 na mga baboy dito ang isinailalim sa culling.
Nilinaw ni Callo na standard operating procedure ng national agencies ang ginagawang culling upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ngayong linggo, tuloy-tuloy umano ang blood sampling ng City Vet sa mga backyard farms na napapaloob sa 1-kilometer radius base sa guidelines ng Department of Agriculture.
Nilinaw ni Calo na hindi baboy ang nakapasok at nagdala ng ASF virus sa Koronadal, sa halip posibleng dala umano ito ng mga sasakyan at hawling trucks.
