Vanessa Hudgens dumating na ng bansa para i-shoot ang kanyang travel docu patungkol sa kanyang pamilya

Nasa bansa na ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens para i-shoot ang kanyang travel documentary

Kahit may dugong Pinoy, ito ang kauna-unahang beses na napunta siya ng Pilipinas para ipakita sa ipapalabas na docu ang kanyang family history.

Mainit siyang sinalubong ng ilang opisyal ng Department of Tourism, pati na rin ng Presidential Adviser on Creative Communications na si Secretary Paul Soriano.

Ang dokumentaryo ni Vanessa ay mula sa TEN17 Productions ni Sec. Paul na siya rin ang magdidirek.

Ang taping ng nasabing docu ay gagawin sa Manila at Palawan na kung saan ay ite-trace nito ang kanyang pinagmulan bilang isang Filipino-American.//CA