Mahigit isang libong atleta mula sa 46 bansa lumahok sa Ironman 70.3 sa Davao

Mahigit isang libong atleta mula sa 46 na bansa ang lumahok sa Alveo Ironman 70.3 triathlon sa Azuela Cove sa Davao City kahapon.

Si Felipe Azevedo mula sa Portugal ang unang finisher sa Ironman 70.3 Male Pro. Ang ikalawang finisher ay si Ognen Stojanovic mula sa Serbia na sinundan ni Tuan Chun Chang mula sa Taiwan.

Sa Female Professional division, nanguna si Sarah Crowley mula sa Australia na sinundan ni Lauren Brandon mula sa USA at Lottie Lucas mula sa UAE.

Bukod sa individual, relay all-male, relay all-female at relay mixed events, itinampok din sa din sa prestihiyosong sports event ang 12-man team competition na ginanap bilang parangal sa 11 tribo ng Davao City kung saan ang winning squad ay nagbulsa ng P550, 000.//CA