Selena Gomez at Zayn Malik nakitang nagde-date umano sa New York

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y pagde-date nina Selena Gomez at Zayn Malik matapos umanong makitang magkahawak-kamay at naghahalikan sa New York.

Ang mga espekulasyon sa pakikipag-date ng dalawa ay lumabas matapos mag post ang isang Tiktok user na nakita ng kanyang kaibigan ang dalawa sa New york na umano ay komportable sa isa’t-isa.

Ibinahagi rin ng netizen ang screenshot ng mensahe mula sa kanyang kaibigan.

Itinuro din ng TikTok user na ang mga mang-aawit ay nasa Instagram following list ng isa’t isa, kung saan si Malik ay mayroon lamang pina-follow na 18 accounts at isa na si Gomez sa kanila.//CA