Iginiit ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. natuloy ang rollout sa pagbabakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang ngayong araw, kasunod ng pagdating sa 780,000 doses ng reformulated Pfizer vaccines.
Pagtitiyak ni Galvez, ligtas ang Pfizer vaccinespara sa mga bata, sa kabila ng concern ng ilang mga magulang.
Ayon sa vaccine czar, ang vaccination sa mga bata ay magdadala ng malaking papel para sa normalcy sa buhay ng mga Pilipino, dahil ito ay magbibigay ng mataas na lebel ng proteksyon laban sa COVID-19.

Sa ngayon, tanging ang Pfizer vaccine palang ang inaprubahan ng Philippine Food and Drug Administration para sa naturang age group, kung saan binabaan ang formulation nito, kumpara sa ibinibigay sa mga matanda.
Samantala, ibinahagi ng kalihim na bumili ang gobyerno ng 30 million doses ng reformulated Pfizer vaccines, kung saan ang 7.5 million ay darating sa unang quarter at isa pang 7.5 million sa second quarter. //MHEL PACIA-TRINIDAD