Tinayang 500k na 5-11y/o, nagparehistro para mabakunahan vs COVID

Tinatayang nasa kalahating milyong batang may edad 5 hanggang 11 ang nakarehistro na para sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

Pero ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario, narami sa mga nagparehistro ay gumamit ng ballpen at papel, sa halip na dumaan sa digital registration, kaya hindi pa rin umano nakukuha ang lahat ng datos.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Batay sa panuntunan ng pamahalaan, hindi mandatory ang pagpaparehistro online para sa bakuna.

Sa gitna nito, inaasahang nasa 1,000 bata lang ang mababakunahan sa unang araw ng rollout nito ngayong araw na gagawin sa 6 na pilot sites sa Metro Manila at mga karatig-probinsya.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sinabi ni Rosario, na sumailalim sa dagdag na pagsasanay ang mga healthcare workers para sa paraan ng paghahanda ng dose at paraan ng pagbigay nito sa mga bata. //MHEL PACIA-TRINIDAD