Daily new COVID cases, posibleng bumaba sa 1K-2K sa katapusan ng Feb

Inihayag ng OCTA Research na ang mga bagong kaso ng COVID-19 araw-araw sa bansa ay maari nang bumaba sa 1,000 hanggang 2,000 sa susunod na tatlong linggo.

Ito ay mas mababa, kumpara sa kanilang naunang pagtaya na 5,000 pagdating ng huling bahagi ng Pebrero.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Binigyang diin rin ng Octa na ang average number ng mga bagong kaso mula Feb. 1 hanggang 5 ay nasa 8,422, mababa mula sa 17,025 na naitala isang linggo, bago nito.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ibinalita rin ng grupo na reproduction rate, o average number ng mga taong nahawa ng single case, ay bumaba sa 0.55 as of Feb. 2, mula sa 0.93 noong Jan. 26.//MHEL PACIA-TRINIDAD