SORSOGON CITY – Umapela ang DOH-Sorsogon na huwag nang pag-isipan pa ng masama ang ginagawang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mga LGUs ang pagbibigay ng mga insentibo o papremyo para lang mahikayat ang lahat na magpabakuna.
Ayon sa pinuno ng DOH-Sorsogon na si Dr Gladys Escoto, hindi ito makatutulong sa hinahangad na herd immunity. Aniya pa, napakabilis umano na mapaniwala ang marami sa mga batikos sa vaccination roll-out.
Dagdag pa nito, dapat ay suportahan na lamang ito ng publiko. Lumabas din sa kanilang obserbasyo na hindi ang kakulangan sa Information and Education Campaign (IEC) ang problema kung bakit marami ang hindi nagpapabakuna, kundi ang impluwensya ng publiko na negatibo ang pananaw sa bakuna at nadadala nito ang mga salat ang kaalaman sa epekto ng bakuna.
